Lucas 5:37-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

37. Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang lumang sisidlan, matatapon ang alak at masisira ang sisidlan.

38. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak.

39. Wala ring magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng lumang alak, sapagkat sasabihin niya, ‘Mas masarap ang lumang alak.’”

Lucas 5