10. Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta niya sa ubasan ang isa niyang alipin upang kunin ang kanyang kaparte. Ngunit binugbog ng mga katiwala ang alipin at pinauwing walang dala.
11. Nagsugo siyang muli ng isa pang alipin at ito rin ay binugbog, hinamak at pinauwing walang dala.
12. Nagsugo pa siya ng ikatlo, subalit sinugatan din ito at ipinagtabuyan.
13. Napag-isip-isip ng may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti pa yata'y ang minamahal kong anak ang papupuntahin ko. Tiyak na siya'y igagalang nila.’