Lucas 11:23-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. “Ang hindi ko kakampi ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nag-iipon ay nagkakalat.”

24. “Kapag umalis sa tao ang isang masamang espiritu, nagpapagala-gala ito sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kapag wala siyang makita, sasabihin niya sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’

25. Sa pagbabalik niya ay matatagpuan niyang malinis at maayos ang bahay.

26. Kaya't, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung mas masasama kaysa kanya. Papasok sila at maninirahan doon, kaya't mas masama pa kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.”

27. Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Mapalad ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.”

28. Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Lucas 11