Juan 16:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Mali sila tungkol sa pagiging matuwid sapagkat ako'y pupunta sa Ama at hindi na ninyo makikita;

11. at tungkol sa paghatol ng Diyos, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng mundong ito.

12. “Marami pa akong sasabihin sa inyo subalit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon.

13. Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.

Juan 16