Joel 1:6-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Sinalakay ng makapal na balang ang ating lupain.Sila'y mapangwasak at di mabilang;parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin.

7. Sinira nila ang ating mga ubasanat sinalanta ang mga puno ng igos.Sinaid nila ang balat ng mga puno,kaya't namuti pati mga sanga.

8. Tumangis ka, bayan, gaya ng isang dalagang nagluluksadahil sa pagkamatay ng binatang mapapangasawa niya.

Joel 1