7. Dinala ko sila sa isang mayamang lupain,upang tamasahin nila ang kasaganaan niyon.Ngunit dinungisan nila ang ibinigay kong lupaindahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.
8. Hindi man lamang nagtatanong ang mga pari, ‘Nasaan si Yahweh?’Hindi ako nakikilala ng mga dalubhasa sa Kautusan,hindi sumusunod sa akin ang mga pinuno;nangangaral ang mga propeta sa pangalan ni Baal,sumasamba at naglilingkod sa mga diyus-diyosan.
9. “Kaya't muli kong susumbatan ang aking bayanat uusigin ko hanggang kaapu-apuhan.