Genesis 3:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, “Saan ka naroon?”

10. “Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad,” sagot ng lalaki.

11. Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”

12. “Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.

Genesis 3