1 Mga Cronica 2:33-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel.

34. Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan.

35. Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai.

1 Mga Cronica 2