1 Juan 4:14-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan.

15. Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananahan sa kanya.

16. Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito.Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.

1 Juan 4