Tobit 8:13-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang katulong na babae ay nagsindi ng ilawan at pumasok sa silid ng bagong kasal. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang mag-asawa.

14. Ibinalita agad ng katulong ang kanyang nakita. Sinabi niyang buháy si Tobias at walang anumang masamang nangyari.

15. Dahil doon, pinuri ni Raguel ang Diyos ng kalangitan. Wika niya:“Pinupuri ka namin, O Diyos, buháy sa aming puso.Bayaang purihin ka ng mga hinirang,purihin ka nila magpakailanman.

Tobit 8