1. Umalis nga si Tobias na kasama ang anghel at isinama pa niya ang kanyang aso. Inabot sila ng gabi sa paglalakbay, at doon na sila nagpalipas ng gabi sa may Ilog Tigris.
2. Lumusong si Tobias sa ilog para maghugas ng paa. Walang anu-ano'y may malaking isdang lumundag at tinangkang sakmalin ang kanyang paa. Napasigaw siya.
3. “Hulihin mo,” ang sabi ng anghel, “at huwag mong bibitiwan!”Gayon nga ang ginawa ni Tobias, at iniahon sa pampang ang isda.