Tobit 11:3-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Mabuti pa'y mauna na tayo para makapaghanda agad sa bahay. Hayaan mo nang mahuli ang iyong asawa at ang buong pangkat.”

4. At nauna nga silang dalawa. Sa daa'y sinabi ni Rafael, “Tobias, dalhin mo ang apdo ng isda.” Lumakad silang kasunod ang aso ni Tobias.

5. Samantala'y patuloy na nag-aabang si Ana sa lansangang daraanan ni Tobias.

Tobit 11