Tobit 10:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Samantala, si Tobit na ama ni Tobias ay inip na inip na, sapagkat lampas na ang takdang araw ng pagbabalik ng kanyang anak at ng kasama nito.

2. Nasabi niya, “Ano kayang nangyayari kay Tobias? Baka pinigil na siya roon! Baka naman kaya patay na si Gabael at walang magbigay sa kanya ng salaping inilagak ko roon!”

3. Alalang-alala si Tobit.

4. Dahil dito'y sinabi ni Ana, “Tiyak na patay na ang anak ko!” At napahagulgol at nagdalamhati siya dahil sa inaakalang sinapit ng anak.

5. “O, anak ko,” ang sabi ng ina, “ligaya ng aking buhay. Bakit kita pinahintulutang umalis sa piling ko!”

6. Ngunit inaliw siya ni Tobit, “Huwag kang mag-alala, mahal ko; tiyak na buháy pa ang ating anak. Marahil ay mayroon lamang silang gawaing hindi maiwasan doon. Ang kasama naman niya sa paglalakbay ay isang taong mapagkakatiwalaan, isang kamag-anak. Kaya huwag kang mamighati sa kanya. Tiyak na darating siya.”

Tobit 10