Lucas 21:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang may dalang mga handog sa Templo.

2. Nakita rin niya ang isang mahirap na biyudang naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo.

3. Sinabi niya sa mga alagad, “Ang inihandog ng mahirap na biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat.

4. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng labis na sa kanila, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang ikabubuhay.”

Lucas 21