Lucas 12:14-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?”

15. At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

16. Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin.

17. Kaya't nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani!

Lucas 12