Lucas 1:72-76 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

72. Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno,at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.

73. Ipinangako niya sa ating ninunong si Abraham,

74. na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot,

75. at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay.

76. Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos;sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,

Lucas 1