48. Kapag may digmaan at kalamidad, ang mga pari ang nag-iisip kung saan itatago ang mga diyus-diyosang iyon.
49. Wala silang magagawa sa harap ng digmaan at panganib. Bakit kaya hindi maunawaan ng mga tao na hindi maaaring maging diyos ang mga rebultong iyon?
50. Ang mga diyus-diyosang iyon ay yari lamang sa kahoy at binalot ng ginto at pilak. Darating din ang panahon na mapapatunayang sila'y hindi diyos.
51. Makikilala rin ng lahat ng hari at bansa na ang mga diyus-diyosang iyon ay likha lamang ng kamay ng tao at walang kapangyarihang tulad ng sa Diyos ng Israel.
52. Mayroon pa kayang hindi nakakaalam sa bagay na ito?
53. Hindi nila magagawang hari ang sinuman, ni hindi sila makakapagpaulan.
54. Hindi sila makakapagpasya tungkol sa sariling suliranin, o makapagbibigay katarungan sa sinumang naaapi. Gaya ng mga uwak na nagliliparan, wala silang silbi!
55. Kapag nagkasunog sa templo, magtatakbuhan ang mga pari at maiiwan ang mga diyus-diyosang kahoy na balot ng ginto at pilak. Masusunog silang parang mga posteng kahoy.
56. Hindi sila makakalaban sa mga hari o makakalusob sa sinumang kaaway. Sino ang maniniwalang diyos sila?