Liham Ni Jeremias 1:33-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

33. Kung minsan naman, kinukuha ng mga pari ang damit ng mga diyus-diyosang iyon at ipinapasuot sa kanilang mga asawa't anak.

34. Paglingkuran man o laitin ang mga diyus-diyosang iyon ay hindi sila makakaganti. Hindi sila makakapaglagay o makakapagpaalis ng hari.

35. Hindi rin nila mapapayaman ang sinuman. Kung may mangako sa kanila ngunit hindi tumupad, ito'y hindi nila mapipilit.

Liham Ni Jeremias 1