Liham Ni Jeremias 1:29-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Pati ang mga babaing bagong panganak o nireregla ay hinahayaang humipo sa mga handog. Ang lahat ng ito'y nagpapatunay na sila'y hindi tunay na diyos. Kaya, huwag na huwag ninyo silang sambahin.

30. Paanong matatawag na diyos ang mga diyus-diyosang iyon na yari sa kahoy, ginto at pilak? Pati babae'y pinahihintulutang mag-alay sa kanila ng mga handog.

31. Sa panahon ng pagluluksa, umuupo sa loob ng templo ang mga paring punit ang damit, ahit ang balbas, at walang takip ang ulo.

32. Sumisigaw sila at nananangis sa harap ng mga diyus-diyosang iyon tulad ng mga upahang mananaghoy sa harap ng bangkay.

33. Kung minsan naman, kinukuha ng mga pari ang damit ng mga diyus-diyosang iyon at ipinapasuot sa kanilang mga asawa't anak.

Liham Ni Jeremias 1