2 Mga Cronica 15:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Azarias na anak ni Oded ay nilukuban ng Espiritu ng Diyos.

2. Pinuntahan niya si Asa at sinabi, “Pakinggan mo ako, Asa, at kayong mga taga-Juda at Benjamin: Nasa panig ninyo si Yahweh habang kayo'y nasa panig niya. Matatagpuan ninyo siya kung siya'y inyong hahanapin, ngunit kung itatakwil ninyo siya, itatakwil din niya kayo.

2 Mga Cronica 15