1 Mga Hari 7:19-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ang mga korona naman ng mga haligi ay hugis bulaklak ng liryo at dalawang metro ang taas.

20. Sa ibaba nito nakapaligid ang mga granadang tanso, 200 bawat kapitel.

21. Ang mga haliging ito ay itinayo sa pasilyong nasa harap ng Templo, sa magkabilang tabi ng pinto. Ang kanan ay tinawag na Jaquin at ang kaliwa'y Boaz.

1 Mga Hari 7