1 Mga Hari 2:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ngunit tiyakin mong siya'y mapaparusahan. Matalino kang tao at alam mo ang dapat gawin. Iparanas mo sa kanya ang lupit ng kamatayan.”

10. Namatay si Haring David at inilibing sa Lunsod ni David.

11. Apatnapung taon siyang naghari: pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem.

12. Kaya't nang maupo na si Solomon sa trono ni David bilang bagong hari, matatag na ang kanyang kaharian.

1 Mga Hari 2