1 Mga Hari 12:10-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Ganito naman ang payo nila: “Sabihin mo sa kanila na ang iyong ama ay naging mahina;

11. at daragdagan mo pa ang pahirap na kanyang ipinapasan sa kanila; at kung sila'y hinagupit niya ng latigo, hahagupitin mo naman sila ng mga panghampas na may tinik na bakal.”

12. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao, ayon sa iniutos sa kanila ng hari.

13. Salungat sa payo ng matatanda, magaspang ang sagot na ibinigay ni Rehoboam sa mga tao.

1 Mga Hari 12