1 Mga Cronica 4:22-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.)

23. Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.

24. Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul.

25. Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma.

1 Mga Cronica 4