1 Mga Cronica 28:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ibinigay din niya ang plano para sa organisasyon ng mga pari at Levita at ang paghahati-hati sa mga gawaing may kinalaman sa paglilingkod sa Templo, at sa mga kagamitan dito.

14. Itinakda niya ang timbang ng ginto o pilak na gagawing mga sisidlan,

15. mga ilawan at patungan ng mga ito.

16. Gayundin ang timbang ng ginto na ibabalot sa bawat mesa na pagpapatungan ng tinapay na handog, at ang pilak na gagamitin sa bawat mesang pilak.

1 Mga Cronica 28