1 Mga Cronica 16:17-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Kay Jacob ibinigay, pinagtibay na kautusan,walang hanggang tipan sa Israel, ito ang nilalaman:

18. “Ang lupain ng Canaan sa iyo nakalaan.Ito'y isang pamana ko sa iyo at sa iyong angkan.”

19. Nang sila ay kakaunti pa at walang halaga,nangibang-bayan sila't sa Canaan nakitira.

20. Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.

21. Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.

1 Mga Cronica 16