Lucas 7:14-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Nilapitan ni Jesus at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Jesus, “Binata, bumangon ka!”

15. Umupo ang patay at nagsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kanyang ina.

16. Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Dios. Sinabi nila, “Inalala tayo ng Dios. Isinugo niya sa atin ang isang dakilang propeta.”

17. At kumalat sa buong Judea at sa lahat ng lugar sa palibot nito ang balita tungkol kay Jesus.

18. Ang lahat ng pangyayaring iyon ay ibinalita kay Juan ng mga tagasunod niya.

Lucas 7