Lucas 24:40-43 Ang Salita ng Dios (ASND)

40. [Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.]

41. Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Jesus, “Mayroon ba kayong pagkain dito?”

42. Binigyan nila si Jesus ng isang hiwa ng inihaw na isda.

43. Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.

Lucas 24