Leviticus 7:21-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Ang sinumang nakahipo ng mga bagay na itinuturing na marumi, katulad ng dumi o sakit ng taong nakakahawa, hayop na itinuturing na marumi, o anumang bagay na kasuklam-suklam at pagkatapos ay kumain ng karne na inihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

22. Nag-utos ang Panginoon kay Moises

23. na sabihin ito sa mga taga-Israel:Huwag kayong kakain ng taba ng baka, tupa o kambing.

24. Ang taba ng hayop na namatay o pinatay ng ibang hayop ay maaari ninyong gamitin sa anumang nais ninyo, pero huwag ninyong kakainin.

25. Ang sinumang kakain ng taba ng hayop na maaaring ihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

26. At saan man kayo tumira, huwag kayong kakain ng dugo ng hayop o ibon.

27. Ang sinumang kakain ng dugo ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

28. Nag-utos din ang Panginoon kay Moises

29. na sabihin ito sa mga taga-Israel:Ang sinumang mag-aalay ng handog para sa mabuting relasyon ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari.

30. At ang bahaging iyon ng handog ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Dadalhin niya ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.

Leviticus 7