Leviticus 2:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog ng pagpaparangal, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog.

14. Kapag maghahandog kayo mula sa una ninyong ani para parangalan ang Panginoon, maghandog kayo ng mga giniling na butil na binusa.

15. Lagyan ninyo ito ng langis at insenso. Itoʼy handog ng pagpaparangal.

Leviticus 2