Juan 14:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isang Tagatulong na sasainyo magpakailanman.

17. Siya ang Banal na Espiritu na tagapagturo ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mga taong makamundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Pero kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at sasainyo magpakailanman.

18. “Hindi ko kayo iiwan ng walang kasama; babalik ako sa inyo.

Juan 14