1. Si Zedekia ay 21 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 11 taon. Ang ina niya ay si Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna.
2. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Haring Jehoyakim.
3. Sa galit ng Panginoon, pinalayas niya sa harapan niya ang mga taga-Jerusalem at taga-Juda.At ngayon, nagrebelde si Zedekia sa hari ng Babilonia.
28-30. Ito ang bilang ng mga taong binihag ni Haring Nebucadnezar:Noong ikapitong taon ng paghahari niya, 3,023.Noong ika-18 taon ng paghahari niya, 832.Noong ika-23 taon ng paghahari niya, 745. Si Nebuzaradan ang bumihag sa kanila. May kabuuang bilang na 4,600 ang binihag.