Hoseas 7:15-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Dinisiplina ko sila upang maging matatag, pero nagbalak pa rin sila ng masama laban sa akin.

16. Lumapit sila sa mga bagay na walang kabuluhan. Para silang panang baluktot na walang silbi. Mamamatay sa digmaan ang kanilang mga pinuno dahil wala silang galang kapag nagsasalita. At dahil dito, kukutyain sila ng mga taga-Egipto.

Hoseas 7