7. Pero tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar.
8. Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng masasamang tao at mga mamamatay-tao.
9. Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain.
10. Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi kayo.