22. Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeka, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito. Sinabi sa kanya ng Panginoon,
23. “Manggagaling sa dalawang sanggol na nasa tiyan mo ang dalawang bansa;dalawang grupo ng mga tao na maglalaban-laban.Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa.Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”
24. Nang nanganak na si Rebeka, kambal ang anak niya.
25. Ang unang lumabas ay mapula-pula at balbon, kaya pinangalanan nila siyang Esau.
26. Nang lumabas ang ikalawa, ang kamay niya ay nakahawak sa sakong ng kanyang kapatid, kaya pinangalanan nila siyang Jacob. Si Isaac ay 60 taong gulang nang manganak si Rebeka ng kambal.
27. Nang lumaki na ang dalawang sanggol, naging maliksing mangangaso si Esau at palagi lang siya sa bukid habang si Jacob naman ay tahimik na tao at palaging nasa loob ng mga tolda.