Exodus 15:15-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot,at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot.

16. “Tunay na matatakot sila.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos,hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.

17. Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain,at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo –ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon,ang templong kayo mismo ang gumawa.

18. Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”

Exodus 15