Daniel 3:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Ang sinumang hindi sasamba ay agad na itatapon sa naglalagablab na hurno.”

7. Kaya nang marinig nila ang tunog ng mga instrumento, agad silang lumuhod at sumamba sa rebulto.

8. Nang panahong iyon, may ilang taga-Babilonia na lumapit sa hari at pinaratangan nila ang mga Judio.

9. Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Nawaʼy humaba pa ang inyong buhay, Mahal na Hari!

10. Hindi baʼt nag-utos po kayo na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto,

11. at ang hindi sasamba ay itatapon sa naglalagablab na hurno?

Daniel 3