14. Sa araw na parusahan ko ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan, wawasakin ko ang mga altar sa Betel. Puputulin ko ang sungay ng mga sulok ng altar at mahuhulog ang mga ito sa lupa.
15. Wawasakin ko ang kanilang mga bahay na pangtaglamig at ang mga bahay na pangtag-init. Wawasakin ko rin ang kanilang mamahalin at malalaking bahay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”