3. Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manase na nakabalik at tumira sa Jerusalem:
4. Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Perez na anak ni Juda).
5. Sa mga Shilonita: si Asaya (ang panganay) at ang mga anak niya.
6. Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel. Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.