1 Cronica 5:14-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jeshishai at apo ni Jado, at apo sa tuhod ni Buz.

15. Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya.

16. Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon.

17. Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.

1 Cronica 5