1 Cronica 16:36-38 Ang Salita ng Dios (ASND)

36. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

37. Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.

38. Kabilang sa grupong ito ay si Obed Edom na anak ni Jedutun, si Hosa, at ang 68 pang Levita, na mga guwardya ng Tolda.

1 Cronica 16