1 Corinto 1:3-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

4. Lagi akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

5. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, pinalago kayo ng Dios sa lahat ng bagay – sa pananalita at kaalaman.

6. Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Cristo ay totoo.

1 Corinto 1