1 Mga Cronica 11:25-36 Ang Biblia (TLAB)

25. Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.

26. Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:

27. Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;

28. Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;

29. Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;

30. Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;

31. Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.

32. Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;

33. Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;

34. Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;

35. Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;

36. Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;

1 Mga Cronica 11